Ngayong Hunyo, pagsulat ng Dulang Tandem/Duo (Dulang May Dalawang Karakter) naman ang tampok at ating ibibida sa selebrasyon ng Buwan ng Wika.
Dulang Tandem/Duo ang tawag sa anyo ng maikling dula na may iisang yugto, tagpuan, tunggalian, at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Tinatawag itong Dulang Tandem/Duo dahil umiikot lamang ang kuwento sa mga diyalago ng dalawang tauhan.
Ihanda na ang inyong mga akdang tatalakay sa paksang “Pagpapahalaga sa Kasaysayan, Kultura, Karapatan, Kapakanan, at Wika ng mga Katutubo (Indigenous Peoples)” dahil magsisimula nang tumanggap ng mga lahok ngayong 1 Hunyo 2022.