Nominasyon para sa Dangal ng Panitikan, bukás na!

Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang lahat ng nagmamalasakit sa Filipino at mga katutubong wika sa bansa na magpasa ng nominasyon para sa

DANGAL NG PANITIKAN 2020

Kumikilala sa mataas na ambag sa panitikan, ang Dangal ng Panitikan ay iginagawad sa mga manunulat at alagad ng sining na nakalikhâ ng mga akdang nag-iiwan ng bakás o humahawi ng landas sa larangan ng pagsusulat. Pangunahing konsiderasyon ang pagpapamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan. Isinasaalang-alang din ang nalathalang aklat at ibá pang akda na pawang kinikilála sa angkin nitóng husay, lawak, at lalim, alinsunod sa matalisik na pagtanaw ng mga kritiko at pangkalahatang publiko.

 

MGA TUNTUNIN:

  1. Bukás ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulat na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Filipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.

 

  1. Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa limampung (50) taón. Para sa mga samahán, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa sampung (10) taón.

 

  1. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba.)

 

  1. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat.

 

  1. Ang mga nominasyon ay kinakailangang maglakip ng mga sumusunod na kahingian:

 

  • KWF Pormularyo sa Nominasyon
  • Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina
  • Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán)
  • Mga pruweba sa katipunan ng mga akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino

 

  1. Ang nominasyon at ibá pang kahingian ay maaaring ipadala sa komisyonsawika@gmail.com o dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2020

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel

San Miguel, Maynila

 

  1. Ang hulíng araw ng pagpapása ay sa 15 Agosto 2020, 5:00 nh. Kapag natanggap ang kumpirmasyon sa ipinadalang lahok, makakatanggap ng link para sa rehistrasyon. Tanging lahok lámang na may kompletong dokumento ang isasali sa hanay ng mga opisyal na nominado. Ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2020 ay tatanggap ng busto ni Balagtas, plake, at medalyon.

 

  1. Bawat nominasyon ay kailangang may kalakip na resume ng nominado na naghahaylayt sa mga credentials nitó. Kailangang may lakip na patunay (gaya ng photocopy ng mga tinanggap na karangalan, nalathalang mga aklat, ipinagwaging mga akda o obra, atbp.

 

  1. Ang pasiya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago pa.

 

  1. Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking o tumawag sa telepono blg. (632) 8736-2525/0928-8441349 at hanapin si Jose Evie G. Duclay o mag-email sa komisyonsawika@gmail.com