Kilalanin ang mga hinirang at pinarangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na mga bagong Ulirang Guro sa Filipino na nagpamalas ng natatanging kontribusyon sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at pagpapayaman ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas.
Mark-Jhon R. Prestoza, MAEd
Kasalukuyang guro ng Quirino National High School sa Isabela. Nagtapos siya ng Master of Arts in Education Filipino at kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosophy in Language Education-Filipino sa Isabela State University. Pinarangalan bílang Outstanding Researcher noong 2019.
Rowell D. Madula, PhD
Nagtapos ng kaniyang doktorado ng Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle at ginawaran ng pinakamahusay na disertasyon. Kasalukuyang Associate Professor V at pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle. Noong 2018, siya ay pinarangalan ng Cecilio M. Lopez Gawad Propesor sa Wika at Panitikang Filipino.
Romeo P. Peña, PhD
Kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura at tagapangulo ng Master of Arts in Filipino Program ng Graduate School sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta. Mesa. Nagtapos siya ng doktorado ng Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Awardee rin siya ng Filipino Migration to Hawaii Centennial Literary Prize International.
Ma. Lourdes R. Quijano, PhD
Pinarangalan ng Excellence Award bílang awtor at propesor noong 2020. Kasalukuyang direktor ng Sentro ng Wika at Kultura at Professor VI sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Nagtapos ng Doctor of Philosophy Major in Educational Management sa Araullo University.
Voltaire M. Villanueva, PhD
Nagtapos ng doktorado ng Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle. Kasalukuyan siyang katuwang na Propesor III at Punò ng Sentro ng Pag-aaral ng mga Wika sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila. Nakamit din niya ang mga parangal tulad ng pinakamahusay na tesis noong 2012 at pinakamahusay na papel sa 6th Art Congress.