VP Leni Robredo on text blasts linking her to CPP-NPA-NDF

Andami daw nakatanggap nito kagabi. Tapos non-stop ang red-tagging sa akin at sa ating volunteers. May paandar pang bubuo daw ako ng coalition government kasama ang CPP-NPA-NDF. Para klaro: kasinungalingan ito.

Once and for all: Kaliwa, kanan, taas, baba, lahat handa tayong pakinggan — basta tapat, mapayapa, at handang magtrabaho para iangat ang buhay ng Pilipino.

Yung mga talagang kilala ako, alam na hindi ako naniniwala sa dahas para solusyonan ang anumang problema. Alam na tutol ako sa sinumang pumupulot ng armas para maggiit ng sariling agenda. Hindi ako makikipag-alyansa sa mga ganun or sa mga naniniwala dun. Priority ko ang magtrabaho sa mapayapang paraan para sa dignidad ng bawat tao, ang empowered and responsible exercise of freedoms, at ang fairness.

Alam yan ng lahat ng katrabaho ko, kasama na ang mga nasa uniformed services, na mukhang sila ang tinatarget ng mga ganitong disinformation at propaganda. Kaya pwede ba. Gusto nyong pigilin ang momentum ng People’s Campaign? Try harder. O better yet: Sumali na lang kaya kayo? Ipanalo na natin ‘to.