Ulirang Guro 2021

Ikaw ba ay guro na gumagamit ng wikang Filipino o anumang katutubong wika sa pagtuturo?  May mga modyul o anumang kagamitang pampagtuturo ka bang ginawa na nasa Filipino o anumang katutubong wika? May mga saliksik o inisyatiba ka bang ginawa sa pagpapahusay ng pagtuturo ng/sa Filipino ngayong pandemya?

Muling binubuksan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Gawad sa Ulirang Guro sa Filipino 2021.  Bukás ang timpalak sa lahat ng gurong nagtuturo gamit ang wikang Filipino at/o ibang katutubong wika bilang midyum ng pagtuturo sa anumang asignatura o disiplina, mula elementarya hanggang tersiyarya, maging sa mga Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).

Ang huling araw ng pagsusumite ng mga nominasyon/aplikasyon ay sa 1 Hunyo 2021.

Para sa karagdagang tanong at detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa:

 

Sangay ng Salita at Gramatika

Komisyon sa Wikang Filipino

Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel

San Miguel, Maynila

Selfon: 09065097841 (Globe), 09686055850 (Smart)

Email: kwf.ulirangguro@gmail.com

Website: www.kwf.gov.ph