Ang Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika ay ang ikalawang malawakang pagtitipon ng mga mananaliksik, iskolar ng wika, guro, miyembro ng komunidad, at tagapagtaguyod sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Unang isinagawa ang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika noong Oktubre 2018 sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Naging tagapanayam sa kumperensiyang ito ang mga kilalang iskolar at nangungunang tagapagtaguyod ng mga programa hinggil sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Layunin ng Kongreso na mailahad at matalakay ang mga pinakamahusay na paraan sa pananaliksik, pagbuo ng programa para sa pagpapasigla ng wika, at iba pang isyu na nakaaapekto sa wika, at mahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilang wika at lumikha ng mga saliksik.
Walang babayarang registration fee para dito. Bukás ito ng mga guro, mananaliksik-wika, guro ng Indigenous Education (IPEd) at Mother Tongue-Based Multilinggual Education (MTB-MLE), manunulat ng ortograpiya, Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), culture bearers, kinatawan ng mga organisasyong pangwika, kinatawan ng mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan.
Ang pamamaraang gagamitin ay hybrid, kayâ may dalawang paraan ng pagdalo—face-to-face at via Zoom. Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magparehistro nang sabay sa sumusunod na link:
- Face-to-face: https://bit.ly/PKNWF2F
- Zoom: https://bit.ly/PKNWZOOM
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐋Â:
Para sa mga dadalo nang face-to-face:
Hindi sasagutin ng KWF ang inyong transportasyon, akomodasyon, at pagkain sa labas ng Kongreso. Limitado lamang ang iimbitahang kalahok at mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in participants kayâ hinihiling na hintayin ang aming email ng kompirmasyon. Ang pagpapareserba ng slot ay hanggang 𝟏𝟎 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟐 lamang.
Para sa Zoom:
Limitado lamang sa apat na raan (400) ang tatanggaping kalahok at ‘first come, first serve’ ang magiging panuntunan. Ang pagpapareserba ng slot ay hanggang 𝟏𝟒 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟐 lamang.
Ang programa ay maaaring maakses sa:
https://docs.google.com/…/18OoLyyAmVq39l5bOQIMe…/edit…
Para sa inyong mga tanong o paglilinaw, makipag-ugnayan sa telepono blg. (02) 8547-3188, selfon na (Smart) 0939-1367-287 o (Globe) 0976-2708-124, mag-chat sa @PambansangKongreso2022, o mag-email sa pambansangkongreso2022@gmail.com.