Panawagan sa Paglahok: SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin

Inaanyayahan ang mga pamahalaang lokal at iba pang publikong entidad sa Rehiyong 11 (Davao Region) at 12 (SOCCSKSARGEN) na magpadala ng aplikasyon sa paglahok sa isasagawang SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin na isasagawa sa 20—22 Hunyo 2023 sa University of Southern Mindanao (USM), Kabacan, North Cotabato.

Layunin ng SALINAYAN na linangin ang kasanayan ng mga empleado ng mga publikong entidad hinggil sa pagsasalin gamit ang wikang Filipino sa mga pubikong transaksiyon, paggamit nito sa mga korespondensiya opisyal at iba pang mga opisyal na dokumento, at maging mabisang kasangkapan sa mas episyenteng komunikasyong tuon sa serbisyo publiko.

Tatanggap lamang ang KWF ng opisyal na intensiyon ng paglahok hanggang 12 Mayo 2023 sa pamamagitan ng pagsagot sa https://forms.gle/7gX3JX493fyDuYuv9. Makalipas ang rehistrasyon, magpapadala ng pabatid ang KWF kung isa kayo bilang kinatawan ng inyong opisina sa nakapasok sa limitadong bilang ng inaasahang kalahok sa isasagawang seminar-training.

Ang SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin ay isa sa mga pagsasanay na ibinibigay ng KWF sa pangunguna ng Sangay ng Salin.