Nagwagi si Hannah A. Leceña sa Pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Dula Táyo 2024 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pára sa kaniyang dulang “Sino Akó?” at makatatanggap siyá ng PHP10,000.00 at plake.
Nagwagî din si Ivan Jetrho Mella ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang dula na “Kailan ka nga ulit umuwi?” at makatatanggap siyá ng PHP7,000.00 at plake.
Hinirang naman si Alpine Christopher P. Moldez sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang dulang “Lugar Lang!” at makatatanggap siyá ng PHP5,000.00 at plake.
Si Hannah A. Leceña ay nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa Mindanao State University sa Lungsod General Santos at nagtapos naman ng Master of Arts in Education Major in Filipino sa Notre Dame of Marbel University. Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa Philippine High School for the Arts sa Los Baños, Laguna.
Ang Dulâ Táyo: Pagsulat ng Dramatikong Monologo ay timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika. Ito ay bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (under UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.