TALAANG GINTÔ: MAKATA NG TAÓN 2025, bukás na!

𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧:

  1. Ang Talaang Gintô: Makata ng Taón ay isang patimpalak sa pagsulat ng tulâ na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilála sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulâ.
  2. Bukás ang timpalak sa lahat ng mga Pilipino—babae man o laláki—maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak. Gayundin, ang mga nagwagi ng limang beses bílang Makata ng Taón na ituturing nang Hall of Fame ay hindi na rin kalipikadong lumahok.
  3. Ang entring ipapása ay maaaring isang mahabang tulâ (humigit-kumulang sa isang daang (100) taludtod) o isang koleksiyon ng sampung (10) maiikling tulâ (maaaring kulang sa 10 taludtod o humigit sa 15 taludtod ang bawat tulâ) na may magkakaugnay na tema. Kinakailangang may pangkalahatang pamagat ang ipapásang koleksiyon.
  4. Malayà ang paksâ ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapásang mahabang tulâ o maiikling tulâ ay malayà (walang tugma at súkat). Maaari ding ialinsunod ang kalipunan ng mga tulâ sa paksang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” o sa tema ng Buwan ng Panitikan 2025.
  5. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tulâ, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon, onlayn man at print. Ang sinumang mahúli at mapatunayang nagkasála ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nitó sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
  6. Itinatagubilin ang paggámit ng KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (i-download mula sa https://kwfwikaatkultura.ph/kwf-manwal-sa-masinop-na…/) bílang gabay sa mga aspekto na mahalaga at kahingian upang makasunod sa mga tuntúning nakasaad dito.
  7. Pára sa pagsusumite ng lahok, ilakip sa brown envelope ang sumusunod:
  • Apat (4) na kopya ng kompiyuterisadong lahok. Gamítin ang font na Arial 12 pt, may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaprint sa short bond paper na may súkat na 8 ½ x 11 pulgada;
  • Hindi lalagyan ng sagisag-panulat (pen name) ang mga isusumiteng lahok, tanging sa pormularyo ng paglahok /entri form lámang ito ilalagay o makikita;
  • Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok;
  • Entri form/Pormularyo ng Paglahok (https://shorturl.at/mZWI5);
  • Curriculum vitae o bionote ng makata; at
  • (1) isang 2×2 retrato ng kalahok.
  • ipadalá ang lahok sa koreo sa:

𝐋𝐮𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐢𝐧𝐭ô 𝟐𝟎𝟐𝟓

𝐊𝐨𝐦𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝟐/𝐏 𝐆𝐮𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐭𝐬𝐨𝐧,

𝟏𝟔𝟏𝟎 𝐊𝐚𝐥𝐲𝐞 𝐉.𝐏. 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥,𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝟔𝟒𝟎, 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐢𝐠𝐮𝐞𝐥,

𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐌𝐚𝐲𝐧𝐢𝐥𝐚❞

  1. Para sa onlayn na pagpapadalá ng lahok:
  • Kopya ng kompiyuterisadong lahok (.doc format). Gagamitin ang font na Arial 12 pt, single spaced sa 8 ½ x 11 in (short bond paper) na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas, ibabâ, at magkabiláng gilid. Kung makinilyado ang lahok, i-scan at isumite nang naka-pdf format;
  • Hindi lalagyan ng sagisag-panulat (pen name) ang mga isusumiteng lahok, tanging sa pormularyo ng paglahok /entri form lámang ito ilalagay o makikita;
  • Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok;
  • Entri form/Pormularyo ng Paglahok (https://shorturl.at/mZWI5);
  • Curriculum vitae o bionote ng makata;
  • (1) isang 2×2 retrato ng kalahok (.jpeg format); at
  • Sagutan ang pormularyo sa link na ito: https://forms.gle/LmgJw8ScVkW2dWY46
  1. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 PEBRERO 2025, 5:00 nh. Isasara din ang link para sa onlayn na pagsusumite ng lahok. Kung nagpadala ng lahok sa pamamagitan ng koreo sa hulíng araw, kailangang mag-email ng pruweba ng pagpapadala nitó sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph upang makonsidera sa paghihintay ng lahok.
  2. Sa mga nagsumite sa pamamagitan ng koreo, magpapadalá ang KWF ng mensahe (text) kung natanggap na ang lahok.
  3. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

Unang gantimpala, PHP30,000 (net) + titulong “Makata ng Taón 2025”, tropeo, at medalya;

Ikalawang gantimpala, PHP20,000.00 (net) at plake;

Ikatlong gantimpala, PHP15,000.00 (net) at plake.

  1. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
  2. Ang lahat ng mga natanggap na lahok ay hindi na ibabalik at angkin ng KWF ang unang opsiyon sa paglilimbag ng mga nagwaging akdâ.
  3. Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here