Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.
Sa darating na buwan, ipagdidiriwang natin ang Buwan ng Panitikan 2025 na may temang “Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran” kung saan binibigyan-diin nito ang kahalagahan ng panitikan at kung paano ito naging isa sa mga susi sa pagtuklas ng mga bagong ugat ng identidad. Sa pamamagitan ng selebrasyong ito, nagbibigay ito ng daan sa pagpapalaganap ng mga kwentong nakatutulong sa pagbuo ng isang mayaman na kultura, hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat.
Sa mga nagdaang taon, ang Buwan ng Panitikan ay patuloy na ipinagdiriwang sa buong bansa, at lalong pinalawak pa sa pamamagitan ng mga opisyal na online platforms.
Bilang unang salvo ng pagdiriwang, isinagawa ng Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat ang Philippine Book Festival mula Marso 13 hanggang 16. Isinagawa din sa Pampanga ang Ligligan Poesiyang Makuyad mula Marso 20 hanggang 21 kung saan nagkaroon ng workshop para sa mga kwentong pambata, pagsusulat ng tula, at paligsahang panitikan.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay mangunguna sa pagbubukas ng NLM sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa ika-2 ng Abril kung saan magkakaroon ng seremonya ng pagaalay ng bulaklak sa Hardin ni Balagtas sa Orion, Bataan, at sa mga bantayog ng panitik sa Pandacan, Maynila at Balagtas, Bulacan. Sa ikatlo ng Abril, pangungunahan din ng KWF ang Lektura sa Pagbubukas ng Buwan na isasagawa online. Dagdag dito magkakaroon ng online forum na isasagawa via Zoom at ila-livestream sa Facebook tuwing Lunes ng buwan. Magkakaroon din ng mga Tertulyang Pampanitikan sa iba’t ibang Sentro ng Wika sa buong bansa. Sa ika-28 ng Abril naman gaganapin ang taunang KWF Araw ng Parangal para sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng panitikan
Iba ibang mga palihan at gawain tampok ang mga akda ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ang Pangungunahan ng NCCA sa pamamagitan ng Pambansang Komite sa Wika at Salin at Pambansang Komite sa Panitikan. Sa ika-22 mg Abril isasagawa ang dalawang leg ng National Artists Reads, isang serye ng seminar na nagtatampok ng mga natatanging Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at ang kanilang huwarang kontribusyon sa larangan. Ang unang leg ay gaganapin sa UP Baguio kung saan tampok ang mga likha nina Pambansang Alagad ng Sining Cirilio Bautista at F. Sionil Jose. Samantala, tampok naman sa ikalawang leg nito sina Pambansang Alagad ng Sining Alejandro Roces at Rolando Tinio, at isasagawa sa University of Science and Technology Southern Philippines sa Cagayan de Oro. Karugtong ng NA Reads Series na nagtatampok sa mga gawa ng Pambansang Alagad ng Sining, isasagawa sa Maynila ang isang Literatour tampok ang mga akda ni Pambanasng Alagad ng Sining Nick Joaquin sa Mayo 3. Isasabuhay naman sa isang pagtatanghal na pinamagatang “Klasikal” ang mga akda ni Pambansang Alagad ng Sining Severino Montano mula sa ika-24, 25, at 28 ng Abril sa Bicol University.
Iba’t ibang timpalak din ang isasagawa sa buong buwan. Kasama na rito ang Timpalak Florentino Hornedo na gaganapin sa Batanes. Tampok dito ang paligsahan sa pagsulat at pag-awit ng Laji, isang natatanging oral tradition ng mga Ivatan. Magkakaroon din ng 2nd Mindanaoan Creative Non-Fiction Writing Competition para sa mga manunulat mula sa mga rehiyon sa katimugang Pilipinas. Ang deadline ng pagsusumite ay sa ika-8 ng Abril at ang anunsiyo para sa mga nanalo ay sa ika-28 ng Abril.
Iba’t ibang palihan sa panitikan ang magaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang Panitikolab ay isasagawa sa Aklan sa ika-22 ng Abril at sa General Santos City sa Abril 23, kung saan magkakaroon ng palihan at mga diskusyon ukol sa pagpagpapaunlad ng kasanayan sa larangan ng panitikan. Isasagawa naman ang Ateneo Foundational Lecture and Literary Fair sa Ateneo de Manila University sa Abril 24 kung saan susuriin ang mahahalagang mga sa pag-aaral at pagpapahalaga sa mga tradisyong pampanitikan ng Pilipinas mula 1946 hanggang sa kasalukuyan.
Isa sa mga pangunahing gawain katuwang ang Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL ang UMPIL Congress na magaganap sa Abril 26 sa Gimenez Hall ng UP Diliman. Ang kongreso ay taunang pagtitipon ng mga manunulat upang talakayin ang mga kasalukuyang isyung pampanitikan ng bansa sa isang sesyong na tinatawag na UMPILAN. Kasunod nito sa parehong araw ay gaganapin ang pagpaparangal ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas para sa mga natatanging tagumpay sa panitikan, Gawad Paz Marquez Benitez para sa mga namumukod-tanging guro sa panitikan, at Gawad Pedro Bucaneg para sa mga kinikilalang grupong pampanitikan.
Hindi lamang tradisyunal na porma ng panitikan ang tampok ngayong buwan dahil isang modernong paraan ng storytelling naman ang handog ng SPIT Manila sa palabas na pinamagatang Sikad FunnyTikan na magaganap sa sa Tanghalang Metroplitan sa ika-11 ng Abril.
Hanggang Mayo ay mga gawain pa ang NLM. Isasagawa ang Timpalak Komposo: Sambuwa Sa Pagsulat Kag Pagkanta Sang Komposo, isang virtual workshop na ang layunin ay buhayin at pasiglahin ang komposo– isang salaysay na awit sa Hiligaynons.
Kaya ngayong 2025, samahan niyo kaming muli sa isang makabuluhang pagtuklas sa mundo ng panitikan para sa kapayapaan, at kapayapaan mula sa panitikan!
For details on this press release, contact Mr. Rene S. Napeñas, Head, Public Affairs and Information Office, through [email protected] or 0945 788 5698. Visit www.ncca.gov.ph and the Facebook page @NCCAOfficial.