In “Lolong: Pangil ng Maynila,” Ruru Madrid portrays Lolong, whose formidable character is fueled not only by survival but also by a selfless drive to help others. His unwavering grit empowers him to overcome relentless challenges as he ventures into the heart of Manila.
Along his journey are characters who either provide solace and aid, or cast long shadows of misery and challenge. Just as they add depth to Lolong’s journey and reveal different facets of his strength, the artists behind these characters carry personal stories shaped by the subtle yet strong influence of their mothers. Some of them are mothers themselves who juggle the demands of their profession with the rewarding yet challenging role of motherhood.
Here are Ruru, Jean Garcia, Elle Villanueva, Yasser Marta, Vaness del Moral, and Tessie Tomas, exploring the impact of their own mothers or role as mothers on who they are today:
What qualities of your mother do you admire the most and try to emulate?
RURU: Ang best quality na meron ang nanay ko na tina-try kong gayahin is ‘yung pagiging hardworking niya. Kahit na pagod at puyat na siya, talagang hindi niya iisipin ‘yun para lang may makain kami sa araw-araw. Hindi na baleng hindi siya makakain basta makakain ang mga anak niya. Isusubo na lang niya, ibibigay pa niya sa amin. ‘Yun ‘yung natutunan ko sa kanya – ‘yung pagmamahal sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal mo sa buhay – ipaparamdam mo lagi sa kanila kahit sa maliliit na bagay. And ‘yun din ituturo ko sa magiging future na anak ko, eventually.
ELLE: ‘Yung pagiging strong niya because she raised me alone. She’s a single mother, so I admire na lahat ginagawa niya para sa’kin. I wanna be like her in the future. I wanna be able to raise someone in the future na responsable at may takot sa Diyos. Gusto kong maging independent din and maging powerful na babae.
YASSER: Sobra siya magsakripisyo para sa aming mga anak niya. Iniwan niya ‘yung tatay ko para sa amin. Mas inuuna niya kaming mga anak niya kaysa sa sarili niya. Masipag talaga si mama. Sobrang sipag niya. Gagawin niya lahat para sa mga anak niya.
What was the best piece of advice your mother gave you?
RURU: Ang advice na naibigay niya sa akin ay ‘wag akong tumigil mangarap hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong mahal ko at gusto ko pa matulungan. Hindi magiging madali ang pagdadaanan ko, pero lagi kong tinatandaan na nandito sila, nakasuporta sa akin. Doon pa lang sa fact na kahit ilang beses akong madapa at mag-fail, alam kong meron akong nanay na hindi magbabago ang pagmamahal sa’kin kahit hindi ako magtagumpay.
ELLE: She told me ever since to try everything that I want to try, to experience everything that I want to experience, because experience is the best teacher. Ever since, kahit natatakot ako, kahit mahiyain ako, tina-try ko pa rin ‘yung best ko para ibigay lahat ng kaya ko, para sa gusto ko at sa dream ko. Tinatanggal ko ‘yung mga hindrance or ‘yung challenges. Pinapagdaanan ko lahat ‘yun and kinakaya ko every step of the way. Dinadala ko yung advice na ‘yun since I was younger pa. I think that’s why I’m here, because of that advice.
YASSER: Para sakin, hindi advice, kasi hindi naman ma-advice nanay ko, parang hinahayaan niya lang ako mag-isa. Pero sa akin, ang masasabi ko lang, si mama ang nagdala sa’kin dito. Kaya kung ano man ang narating ko ngayon dito, dahil ‘yun sa nanay ko.
What is the most fulfilling part of being a mother?
JEAN: ‘Yung nakikita mo na maayos ang mga anak mo, na nagtatrabaho ka at nabibigay mo sa kanila ‘yung mga pangangailangan nila, hindi lang material, pati education. I’m a single mother at kahit wala akong partner sa buhay, I can say that I am fulfilled because nand’yan ang aking anak, kasama ko. Kahit magkaroon sila ng family in the future, nand’yan pa rin ako, hindi ako mawawala. ‘Yan lang naman ang kayamanan ng isang ina.
TESSIE: The best or fulfilling part of being a mother is having giving birth to someone na sana ay maging mabait na tao. Ang nanay kasi ang nagdadala ng sanggol sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at siyempre, malaking hirap para ilabas mo ‘yung bata, at mapalaki mo ng tama at maging isang mabuting tao sa pamilya at sa lipunan. Ang fulfilling part sa’kin, para sa only child ko, nakikita kong successful siya matapos siyang paaralin. Naging successful siya sa kanyang chosen career. I think it’s very important na mapatapos mo ng pag-aaral ang anak mo, at pangalawa, maging successful sa kanyang karera — sa kanyang trabaho.
VANESS: ‘Yung kapag nakikita mo ‘yung progress ng anak mo, ‘yung milestones niya, ‘yung little by little, natuturuan mo siya kung ano ‘yung tama at kung ano ‘yung mali.
What is the biggest challenge of being a mother and how do you overcome it?
JEAN: ‘Yung mapalaking maayos ang mga bata at mabigyan sila ng tamang aral – ‘yung may takot at faith sa Panginoon, ’yung maging mabuting tao sila, marunong rumespeto sa kapwa at palaging bukas ang puso para tumulong sa kapwa, ‘yung maituro kung ano ang turo sa Church at turo sa atin ng Panginoon – ‘yun siguro ang pinaka-challenging lalo na ngayong iba na ang generation. Ang importante lang naman siguro sa pagiging ina is ‘yung communication with each other and ‘yung pagiging open mo sa kanila. ‘Yung everything under the sun na pwede ninyo pag-usapan. Maaaring may mga sikreto at hindi pa sila handa, pero patience lang sa nanay na hintayin na maging ready. At the end of the day, sa’yo at sa’yo pa rin tatakbo ang mga anak mo.
TESSIE: Sa anak ko, ang isa sa biggest challenge at kumbaga hapdi sa puso niya ay yung pagkakahiwalay namin ng daddy niya. Kasi nga sabi nya, “hindi mo lang alam mommy kung gaano kalungkot ang broken home.” Nagkaka-guilty conscience ka pagka-ganyan. Kasi ngayon, ang daming problema ng mga bata. As a mother, it is important to know how you cope with that and how you try to help. Kaya naman, kailangan ibigay mo pa rin ang suporta mo.
VANESS: Hindi ako pasensyosong tao pero pagdating sa anak ko, kung kaya ko pang habaan ‘yung pasensya ko, hahabaan ko. Minsan may moments na ‘di mo na kaya, susukuan mo na lang. Ang gagawin ko minsan tataguan ko siya para hindi ko awayin o sabayan ‘yung tantrums niya. Didistansya ako sa kanya para mapakalma ko rin ‘yung sarili ko tapos mag-reflect kung ano ba ‘yung nararamdaman niya para maramdaman ko kung saan siya nanggagaling.
Shaped by their mothers’ influence, and to some, by their own experiences as mothers, these stars are true inspirations to thousands of viewers globally. Catch them in Lolong: Pangil ng Maynila weeknights after 24 Oras on GMA Prime. Global Pinoys can also watch the program via GMA Pinoy TV.