- Ang Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Filipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakíta ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan.
- Bukás ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulat na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Filipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakíta ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
- Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limang (5) taón.
- Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas (kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba.)
- Ang mga nominado ay marapat na manggáling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.
- Pára sa onlayn na nominasyon, sagutan ang pormularyo sa link na ito https://forms.gle/CJuAonoKajcTfnv57 at ihanda ang sumusunod na dokumento na naka-pdf format: (1) KWF Pormularyo sa Nominasyon; (2) Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina; (3) Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at (4) Mga pruweba sa katipunan ng mga akda na nagpapakíta ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
- Pára sa nominasyon na ipadadalá sa koreo, ilakip sa isa o higit pang long brown envelop ang sumusunod na dokumento na binanggit sa bílang 6 at ipadalá sa:
Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2021
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
- Ang hulíng araw ng pagpapása ng nominasyon ay sa 12 MARSO 2020, 5nh.
- Ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2021 ay tatanggap ng naturang gawad sa iginagayak na programa ng KWF sa Araw ni Balagtas, 2 Abril 2021.
- Pára sa ibá pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.