Tuntunin:
- Ang Dulang Tandem/Dou ay tawag sa anyo ng maikling dula na may iisang yugto, tagpuan, tunggalian, at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Tinatawag itong Dulang Tandem/Duo dahil umiikot lamang ang kuwento sa mga diyalago ng dalawang tauhan.
- Ito ay timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika. Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.
- Bukás ang timpalak sa mga Pilipinong edad 18 pataas, maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.
- Ang lahok ay nakasulat sa wikang Filipino at orihinal na gawa ng may-akda; hindi pa nagagawaran ng parangal, hindi pa naisusumite sa ibang timpalak o publikasyon, hindi pa naililimbag, at hindi rin salin mula sa ibang wika.
- Hindi patatawarin ang sinumang mahuhuling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
- Ang paksa ay “Mga Wikang Katutubo Bilang Kasangkapan sa Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa.”Gamítin ang Arial (font), 12 (font size), 1.5 (spacing) at A4 (súkat ng papel) bílang format ng isusumiteng lahok.
- Ang isusumiteng monologo ay hindi lalampas sa 20 pahina at kung itatanghal ay hindi lalampas sa 20 minuto.
- Kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda ang kopya ng lahok. Tanging pamagat at sagisag-panulat lámang ang pinahihintulutan.
- Isang entri lang ang maaaring ilahok ng indibidwal.
- Lagyan ng kaukulang impormasyon ang Pormularyo ng Paglahok
(https://tinyurl.com/yrexyhfy) at ilagay sa expandable envelope ang sumusunod:
*Apat (4) na kopya ng kompiyuterisadong lahok
*Pormularyo ng Paglahok
*Curriculum vitae at/o bionote ng kalahok
*(1) isang 2×2 retrato ng kalahok
- Ipadalá sa koreo at/o dalhin ang lahok sa:
Lupon sa Dula Tayo: Dulang Tandem
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod Maynila
- Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 Hunyo 2024, alas-5:00 ng hapon.
- Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at sumusunod na gantimpala na babawasan ng kaukulang buwis:
Unang gantimpala, PHP10,000.00
Ikalawang gantimpala, PHP7,000.00
Ikatlong gantimpala, PHP5,000.00
- Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:
Banghay – 25%
Gamit ng wika – 25%
Karakterisasyon – 25%
Malikhaing pagsasanib ng paksa sa piyesa – 25%
- Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.
- Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF Gabi ng Parangal sa 19 Agosto 2024.
- Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.