Michael R. Gallego, Hinirang ng KWF na Makata ng Taon 2025

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Michael R. Gallego ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2025 pára sa kaniyang tulang “Áral mulâ kay Aran.” Makatatanggap siyá ng PHP30,000.00 (net), tropeo, at medalya.

Nagwagi rin si Romeo C. Morales ng Ikalawang Gantimpala pára sa kaniyang tulang “Henosidyo sa Lahì ni Katóto.” Makatatanggap siyá ng PHP20,000.00 (net) at plake.

Nanalo naman si Allan Paolo Miguel G. Tiausas pára sa kaniyang tulang “Filipino Zero, Isang Antiepiko” para sa Ikatlong Gantimpala. Makatatanggap siyá ng PHP15,000.00 (net) at plake.

Si Michael R. Gallego ay makata sa wikang Filipino at Ilokano. Isinilang siya at lumaki sa bayan ng San Ildefonso, Ilocos Sur. Siya ay manunulat ng magasing Bannawag. Nailathala ang ilan sa kaniyang mga tula sa iba’t ibang antolohiya, journal, at zines. Awtor siya ng “Dayawen”

(Librong LIRA, 2016), “Planetarium: Dandaniw” (Self Published, 2024), at “Lirikal/Naindaniwán Nga Ayát” (Aklat Ulagad, 2024). Naging writing fellow ng iba’t ibang palihan kabilang na ang 61st UP National Writers Workshop (2022), Pasnaan Writing Workshop (2019), 15th Ateneo National Writing Workshop (2017), 8th Palihang Rogelio Sicat (2015), at Palihang LIRA (2009). Nagkamit ng gantimpala ang kaniyang mga tula sa Premyong LIRA 2024 at Gawad Bienvenido Lumbera

National Literary Contest 2023. Aktibong kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).

Ang Talaang Ginto: Makata ng Taón ay isang patimpalak sa pagsúlat ng tulâ na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahín at pataasín ang urì ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilála sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulâ.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here