MOU para sa pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura sa Cebu Technological University, nilagdaan

Idinaos noong 22 Enero 2021 ang birtuwal na paglagda sa Memorandum ng Unawaan (MOU) sa pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa Cebu Technological University.

Ito ang pang-apatnapu’t apat na SWK na naitatag ng KWF sa buong bansa.  Ang paglagda ay sinaksihan ng mga opisyal at guro ng CTU, mga kinatawan mula sa DepEd, CHED, iba pang unibersidad sa Cebu at mga pribado at publikong organisasyon sa lalawigan.

Tiniyak ng itinalagang direktor ng SWT CTU na magiging aktibo sila sa pakikibahagi sa mga gawain at programa ng KWF sa taguyod ng pamunuan ng CTU.