Nominasyon para sa Dangal ng Wikang Filipino 2024, bukás na!

Tuntunin:

1. Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

2. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.

3. Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naitatag nang hindi bababâ sa limáng (5) taón.

4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).

5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.

6. Pára sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:

*KWF Pormularyo ng Nominasyon https://docs.google.com/…/18av3X0HuW0Nmp9BQ3Xa6…/edit…
*Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;
*Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at
*Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.

7. Ilagay sa isa o higit pang long brown envelop ang mga tinukoy sa bilang 6 at ipadala sa adres na nása ibaba:

Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2023
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod Maynila

8. Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 10 Hunyo 2024, 5:00 nh.

9. Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa Araw ng Parangal sa 19 Agosto 2024.

10. Pára sa ibá pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.