Inaanyayahan ang lahat na magpása ng panukalang aklat para sa proyektong pampublikasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino. Tatanggap ang patnugutan ng KWF Publikasyon ng teknikal na mga akda, saliksik pangwika, malikhaing akdang pampanitikan na nakasulat sa Filipino at sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas gaya ng Sebwano, Chavacano, Hiligaynon, Ilocano, Waray, Bikol, Kapampangan, Tausug, Mëranaw, Kinaray-a, Surigaonon, at iba pa. Bukás ang panawagan para sa lahat ng manunulat, editor, tagasalin sa Filipino at rehiyonal na mga wika.
Layon ng proyekto na palakasin pang higit ang paggamit ang wikang Filipino at mga rehiyonal na wika sa Pilipinas. Gayundin, target nitong matipon ang mahahalagang akdang pumapaksa sa wika at kultura ng bansa na magagamit sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik ng mga estudyante, guro, at iskolar.
Bisitahin ang https://kwf.gov.ph/kwf-publikasyon-2023/ para sa kompletong detalye