Tumatanggap ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng mga papel para sa Pandiwa. Ang Pandiwa ay journal sa Filipino na inilalathala ng KWF. Nagtatampok ito ng mga pag-aaral at saliksik hinggil sa panitikan, wika, at kultura ng bansa.
Para sa edisyong 2021, itatampok ang mga pag-aaral sa mga katutubong wika ng ating bansa na maaaring nakatuon sa:
- ponolohiya
- morpolohiya
- sintaks
- gramatika
- leksikograpiya
- diyalektolohiya
- edukasyong pangwika
- diyakronikong lingguwistika
- nanganganib na wika (language endangerment)
- pagpapasigla ng wika (language revitalization)
- buháy na dúnong (intangible cultural heritage)
Sa 31 MAYO 2021 ang huling araw ng pagsusumite ng papel.
Narito ang kabuoang tuntunin:
- Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel, elektroniko man o limbag na anyo.
- May nakalakip na abstrak na hindi lalagpas sa 250 salita.
- Narito ang format para sa isusumiteng artikulo:
– Naka-encode o kompiyuterisado sa A4 bond paper
– 1 inch margin sa lahat ng gilid
– double space
– Times New Roman, 12 font size
- Ang dokumentasyon ay nakaayon sa format ng KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.
- Maaaring lakipan ng biswal na materyal (may kulay o black and white) gaya ng orihinal na larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa, at iba pa. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
- Isumite ang papel sa kwf.ssg@gmail.com.
Maglakip rin ng maikling talâ sa sarili na naglalaman ng: pangalan, paaralang pinagtuturuan o institusyong pinagtatrabahuhan, organisasyong kinabibilangan, kasalukuyang posisyon/ranggo (sa organisasyon, institusyon/paaralan), digri, kinabibilangang larang, espesyalisasyon, pinakabagong publikasyon, pananaliksik, at iba pang mahalagang impormasyon.
- Ang ipapasang mga lahok ay sasailalim sa proseso ng refereeing.
- Makatatanggap ng liham kung natanggap o hindi natanggap ang inyong papel.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Gng. Evelyn E. Pateño sa 0906-278-4713 o 0951-787-1050, o mag-email sa kwf.ssg@gmail.com.