Political dynasty, not constitution (Part 2)

By Reni M. Valenzuela

Once your sight is blocked from seeing the first thing you should see, everything else becomes blurry to you, if not altogether deformed. Political dynasty is one such blockade for Filipino politicians, the reason why many of them are blind.

Mga minamahal naming lingkod-bayan, sapat na po na “nakapaglingkod” kayo minsan. Huwag ninyo nang hangarin pa ang maglingkod nang mas mahaba dahil kung magkagayon ay “huli kayo” na iba na — o mas malala na ang motibasyon at hangarin ninyo — “para sa bayan.”

Gayon din naman ang inyong mga pamilya at kamaganak. Maghintay naman sila ng kahit sampung taon upang ang sino man sa kanila ay “makapaglingkod” din (sa ano mang posisyon) pagkatapos ninyo — at upang maiwasan ang maling puso sa public service, lalo na ang sabwatan, nakawan at pandarambong.

Maglaan man lang kayo ng pagkakataon para sa iba na maglingkod nang tunay sapagkat naniniwala ako na maraming mas karapat dapat na mga Pilipinong may budhi at Diyos sa puso, at makapaglilingkod nang malinis, tapat, masipag, magaling, matalino at totoo sa ating bayan, sila na may mga katangiang wala sa marami sa inyo o salungat sa taglay ninyong mga katangian — tulad ni Mayor Vico Sotto ng Pasig. Hindi siya marumi o pulitiko, sa tingin ko sa mga ginagawa niya. Walang bahid pulitika ang kanyang mga aksyon kung maglingkod siya sa kanyang nasasakupang siyudad.

Subalit, gayon pa man, si Mayor Vico ay may bantog na apelyido at anak ng dalawang celebrities kaya siya ay nahalal nung una bilang konsehal bago maging alkalde.  Paano naman ang ibang mga katulad niyang matino na hindi kilala o hindi konektado sa kilalang pamilya at walang kakayahang mangampanya nang malawakan, walang plano na mamili ng boto at mangako ng buwan sa mga botante, at maituturing lamang na mga “nuisance”?

Dear Commission on Elections (Comelec), do your work and serve, favor the nation, not any politician or political party or political “gods,” or yourselves. Your first job and foremost act is and should be to prohibit / ban candidates or politicians that have nothing but names, popularity, connections, guns, gold, goons and guile. (You can do it). Ask me, sirs, who they are and who they were and I’ll be more than willing to let you know — and the list is long.

Do away with your “nuisance” rules for candidates because even had Jesus Christ (during His time) intended and planned to run for any elective post in the country, He would have been surely disqualified for failing in qualifications and for falling under your category as a “nuisance candidate.” Pathetic. Heart above all else (Proverbs 4:23).

Let your voice be heard, dear countrymen. Clamor, shout and cry out – “Down with political dynasty!”

Itigil na po nating lahat ang kahangalang ito — ang patuloy na pagpiyestahan ng mga kilalang mukha, apelyido, pamilya at angkan ang ating bayan / kinabukasan, sila na sa kapangyarihan ay mga kapit-tuko. Hanggang kailan po ba tayo magpapa goyo?

Political dynasty, not Constitution.

renivalenzuelaletters@yahoo.com