Pro-LGBTQ+ rights si ChatGPT

By Jaime Babiera

May nadiskubre ako mula sa aming konbersasyon ni ChatGPT. Napag-alaman ko na ang naturang AI-powered chatbot na tanyag ngayon sa buong mundo ay pro-LGBTQ+ rights. Basahin ninyo sa ibaba ang kanyang mga pahayag.

As an AI language model, I don’t have personal opinions or beliefs. However, it’s important to note that discrimination based on sexual orientation or any other aspect of a person’s identity is generally considered unethical and unjust. Human rights principles, such as equality and non-discrimination, emphasize the importance of treating all individuals with dignity and respect, regardless of their sexual orientation. It is important to promote inclusivity, acceptance, and equal rights for all people, including those who identify as gay.

Acceptance of gay people in society is an important aspect of promoting equality, inclusivity, and respect for diversity. Sexual orientation is a fundamental aspect of human identity, and individuals should be able to express their sexual orientation without fear of discrimination or prejudice. Embracing and accepting gay people in society helps create a more inclusive and harmonious community where everyone can live authentically and be treated with dignity and respect, regardless of their sexual orientation.

Gay people should be treated with the same rights, dignity, and respect as any other individual. Just like anyone else, they deserve to be valued and treated fairly in all aspects of life, including employment, housing, healthcare, and relationships. Treating gay people with respect means recognizing their inherent worth and allowing them to live their lives free from discrimination, harassment, or prejudice based on their sexual orientation. Embracing equality and inclusivity creates a more just and compassionate society for all.

Noong June 1, unang araw ng Pride Month, naisipan kong makipagtalastasan kay ChatGPT matapos kong mabasa ang balitang opisyal nang pinirmahan ni Uganda President Yoweri Museveni ang kontrobersyal na anti-gay bill. Ngayong isang batas na ito, mahigpit nang ipinagbabawal ang “aggravated homesexuality” sa naturang bansa. Maaaring mahatulan ng habang-buhay na pagkakabilanggo at kamatayan ang mapatutunayang lumalabag dito.

Tinanong ko si ChatGPT kung nararapat bang pagkaitan ng karapatang pantao ang mga miyembro ng LGBTQ+ community at gawing batayan ang kanilang sekswalidad upang sila ay tawaging kriminal. Hindi nagpatumpik-tumpik si ChatGPT at agad niyang ipinahayag ang kanyang mariing pagtutol sa ideyolohiyang ito. Aniya, nararapat na bigyan ng pantay na karapatan, respeto, at pagkilala ang lahat ng miyembro ng lipunan anuman ang kanilang kasarian.

Iginagalang ko ang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon, ang kultura ng ibang bansa, at ang opinyon ng ibang tao hinggil sa usaping ito. Hindi ko intensyon na salungatin ito dahil wala ako sa posisyon upang gawin iyon. Gayunpaman, sinasang-ayunan ko ang mga pahayag ni ChatGPT at kaugnay nito ay nais kong mag-iwan ng ilang kahilingan sa inyong lahat bago ko tapusin ang kolum na ito.

Una, huwag sana nating gamiting basehan ang kasarian ng isang tao upang kwestyunin ang kanilang moralidad. Pangalawa, huwag sana natin silang pilitin na isadiwa at isabuhay ang ating mga personal na paniniwala kung hindi sila sumasang-ayon dito. Pangatlo, sana’y dumating ang panahon kung saan ang bawat isa ay magkaroon ng higit pang malalim na pag-unawa sa sekswalidad ng tao upang hindi na ito pag-ugatan ng diskriminasyon sa ating komunidad. Pang-apat, sana’y tuluyan nang maisabatas sa madaling panahon ang SOGIE Equality Bill na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa kongreso. Panglima at panghuli, sana’y dumating ang araw na hindi na kailangang patunayan ng LGBTQ+ members at gawing paksa ng samot-saring debate ang kanilang existence kapalit ng pagkilala sa kanilang mga karapatan bilang kasapi ng ating ginagalawang lipunan.

Email: jaime.babiera@yahoo.com