(Commencement address of Roberto “Ka Dodoy” Ballon, 2021 Ramon Magsaysay Award-winning fisher from Kabasalan town, Zamboanga Sibugay, to the graduating class of the University of the Philippines Visayas (UPV) on July 9, 2024 at the UPV Covered Court, Miagao, Iloilo)
Thank you very much for inviting me, and for acknowledging me, and my organization’s contribution to the community…
Wala akong kurso kagaya ninyo…hindi ako nakapagtapos sa isang unibersidad kagaya ninyo…At maswerte kayo dahil nagkaroon kayo ng pagkakataon upang lalong magpakadalubhasa sa inyong napili na karera sa buhay.
Pero alam ninyo, mayroon akong kakaibang kurso. Hindi ito kagaya ng kurso ninyo, pero hindi rin ito basta-basta lang na kurso. Ang kurso na mayroon ako, ay ang – KURSU-NADA. Ito ang kursunada ko na magsilbi sa tao, sa aking pamayanan.
Looking after the mangroves, having that “kursunada” to protect and conserve the mangroves is never easy. Kagaya ninyo rin, mahirap tapusin ang isang kurso. I also have difficulties in starting my “kursunada.” I always get questions asking me – Why mangroves? Why am I doing this? Why am I planting mangroves? What will I get from planting mangroves? People would say that there are other things that I can pursue. That mangrove planting is difficult, and I will not earn easily just by planting mangroves.
Sasabihin nila, wala akong instant na maibigay sa mga tao.
Mangroves take a while for people to benefit from it. But I would tell them, if you want to serve the people in the community, in my case, the coastal areas of Zamboanga Sibugay, then it is important that we identify the reason why we are living a difficult life. And, if I want to help the people, I need to identify, what is our very basic needs?
Ano ang dahilan ng paghihirap natin? Isipin natin, ano ang kailangan natin sa pang araw-araw? It is food and livelihood. Pagkain at kabuhayan.
And so, I would attend trainings and seminars. From my attendance to these trainings and seminars, I was able to learn that one reason why we have difficulty in securing our food, why is it that our food resources and other resources are slowly depleting, especially our aquatic resources, is because of the diminishing mangrove cover.
And I ask myself, how can I help? Which part can I help? At nakita ko, sa mangroves. Kaya ang pinagtuunan ko ng pansin, ang aking KURSUNADA, ay ang magtanim lang ng magtanim ng mangroves.
When I started the Kapunungan sa Gagmay’ng Mangingisda sa Concepcion or KGMC in 1989, nobody believed in us. But it was never easy, because I have to advocate for the people and educate them and personally campaign for them to join and be part of my cause. It was difficult, but I did not stop.
I was able to convince thirty people which eventually became my first, thirty original members.
But we were called lunatics. Tinawag kaming baliw, dahil kami lang ang nagtatanim ng mangroves. I keep telling them, magtanim lang tayo ng magtanim ng mangroves, para balang araw may pera tayo, maibabalik natin ang ating kabuhayan.
Pero sa unang tingin ng mga tao, lalo na ang mga hindi nakakaintindi, sasabihin nila, ano ang makukuha mo sa mangroves? Matagal pa ang benepisyo na makukuha mula sa mangroves – balang araw pa. At isa pa na hindi sigurado ay, mabuti kung mabubuhay ang mga itinanim na mangroves. Iyan ang pinakamahirap.
But where did I place myself, in terms of serving the people? In terms of ensuring that we have food and livelihood? My community may not have reaped instant benefits from the mangroves, but it is actually through this advocacy that people in my community were able to establish their livelihoods, at the same time, their involvement became their own key to improve their respective lives.
Hindi pwedeng mag-bigay lang tayo ng pera sa mga tao, kasi bukas, wala na yan. Hindi natin maaayos ang problema. Instead, it is important that we pursue efforts that are sustainable, including a sustainable livelihood for everyone in the community. That is how we should help. Advocating for mangrove protection and conservation is one way to help our community, which, in my case, we have helped a lot of families in our community. And not only that, we have also restored the biodiversity in our mangrove areas, from the fishes, to the birds, and even the surrounding water areas.
In serving the people, hindi mo kailangan ng double or triple PhD, ako, isa lang ang PhD ko, especially when it comes to serving the people, ito ay ang PhD ko, which means – Person with High Dedication. Kasi kung wala kang mataas na dedikasyon sa ginagawa mo, you cannot serve.
Ang membership fee namin sa KGMC ay ang bilang ng mangroves na naitanim. Kakaiba ito sa ibang organisasyon na kailangang magbayad ng pera para sa membership fee. Sa amin, mangroves ang pang-membership fee. At ang annual membership policy naman namin, ay dapat, bawat miyembro ng organization ay makapagtanim ng 100 mangroves. Kapag ang buong pamilya ay naging miyembro, dapat bawat miyembro ng pamilya ay may ambag din na 100 mangroves kasama na ang mga anak nila.
Ito ang uri ng dedikasyon na dapat nating gawin. Hindi ako magiging mayaman dito, pero alam ko na ang adbokasiya ko na ito ay may patutunguhan. My advocacy can go on until the next generations. We involve our sons and daughters; we make them see and do our advocacy so that they can go on with the same advocacy when they grow up.
Tandaan ninyo, mas budlay patadlungon ang kahoy nga tigulang na kumpara sa linghod pa (It’s easier to bend a young tree than the old ones).
My dedication paved the way for a more united and empowered community. We know our mission; we are conscious of our values and how these values are shaped by our advocacy which is to protect the mangroves and the entire ecosystem.
We all need three Ts as capital in serving the people. These are:
- Time – focus on what you are going to do, which is to serve.
- Talent – kailangan alam mo lahat ng ginagawa mo, ano iyong gagawin mo, saan ka papunta, sino yung mga taong gusto mong serbisyuhan, at ano ang kinalaman nito, at ano ang balik nito sa iyo, or bakit ginagawa mo ito.
- Treasure – the last “T.” The most important “T,” is the true treasure of happiness to serve. Kadalasan, kailangan natin talagang mag-taya din. Kung kailangan bumunot ka ng sarili mong resources para magawa mo iyong gusto mong gawin. Hindi katulad ng mga politicians natin na gumagastos sila, bumubunot sila ng sarili nilang treasure or resources, because may gusto silang makuha.
Pero, sa kagustuhan natin na magserbisyo sa mga tao, sa ating pamayanan, kaya minsan tayo na mismo ang bumubunot sa sarili nating resources, dahil masaya tayo sa ating ginagawa. At hindi tayo naghahabol sa kung magkano ang balik nito sa atin. Iyan ang totong pagserserbisyo. Ang importante diyan, dahil sa ginagawa mo, doon sa tatlong “T” na inin-vest mo, doon ka nagiging masaya. Iyon ang fulfillment ng buhay mo. Iyon ang totoong pagseserbisyo. Hindi dahil nagseserbisyo ka dahil may gusto kang kunin sa mga tao, o may gusto kang ipagawa sa mga tao.
Kayong mga estudyante ng UP Visayas. Sino ba ang gusto nating makitang masaya?
Syempre yung mga tao sa ating mga bayan. At kung happy ang mga tao, happy din kayo.
That is the true treasure – to serve the people without any conditions. We have to really restore the happiness of everyone, happiness is the best medicine, in any sickness.
Let me tell you a story, sabi ng doctor, may isang pasyente na ginagamot niya. Kahit anong gamut at technology, hindi niya mapagaling ang tao. Pero may isang tao na pumunta sa kanya, nagkwento lang ng mga jokes, at tumawa ang pasyente. Kinabukasan gumaling. Iyan ang ibig kong sabihin. Pagmasaya ang isang tao, walang sakit. Kung may sakit man siya, hindi niya mararamdaman na siya ay may dinadamdam dahil nagiging masaya siya, naging masayahin siya.
Para kanino ba ang ating ginagawa? Halimbawa, kung may pamilya ka, lahat ginagawa mo, nagsasakripisyo ka, para kanino? Para ang pamilya mo magiging masaya. Pag nagiging masaya ang pamilya mo, masaya ka rin bilang breadwinner o tagapagtaguyod ng pamilya mo. Iyan ang ibig sabihin ng pagserbisyo sa mga tao.
And these people, hindi natin alam, kung sino ito. Baka balang araw, ito ang magiging leaders ng ating institutsyon, ng ating bansa, ng ating lipunan. In the future, you will be an engineer, doctor, directors, secretary of the departments, legislators, or maybe maging president. So alam ninyo to serve the people. Not only people for people, but also people to people.
I must tell you, hindi ako scientist, hindi ako doctor, hindi rin ako lawyer,
I did not graduate from a university here in the Philippines. I am proud to say, that I graduated from U-A-E, the University of Actual Experience. Ito lang ang maipagmamayabang ko. Marami tayong experience sa ating ginagawa.
Pero bakit natin ito ginagawa?
Kasi, we want to serve the people and more people kaya ginagawa natin ito. Ang kasipagan natin ay nanggagaling sa kagustuhan natin na tumulong sa nakararami. Kaya lahat ng ginagawa natin ay nanggagaling sa experience. Hindi natin kailangan ng mataas na degree. Pero, mas lalo na kung may narating tayo habang nagseserbisyo, kapag may degree tayo, mas lalo pa dapat natin na pagbutihin ang pagseserbisyo sa mga tao at sa ating pamayanan.
In my organization, I am relentless in approaching agencies and organizations who can help with our advocacy. I also involve the government agencies; I ask help from them. But asking for help can be a challenge. But if we persevere, and we always prioritize the welfare of the people, of the community in anything that we do or pursue, any difficulty becomes worthwhile.
I do not think that I am a Ramon Magsaysay awardee.
I do not think that I am the chairman of our organization.
I only think that I am a fisherman.
I do not ask for an award to be given to me. What I ask is respect to our organization, to our work,
Kaya nga ako, ito ang challenge ko:
We have to examine and know our selves better, and ask ourselves all the time – how can we serve more people?
Mahalaga na kilala natin ang ating mga sarili, ang ating mga kakayahan. Kasi, kung ikaw mismo hindi mo alam ang sarili mo, ang adbokasiya mo, ang uri ng serbisyo na gusto mong ibigay sa mga tao, paano ka makakapag serbisyo sa iba? Ang ibig kong sabihin, to serve more people, tayo mismo magpaka dalubhasa tayo sa ating sarili.
Kaya, kayong mga Iskolar ng Bayan, iyon ang inyong unang gagawin. Magpakadalubhasa kayo. Pag-aralan ninyo ang inyong gawain sa araw araw para makapagsilbi kayo sa ating bayan, sa ating kapwa. Magpakadalubhasa kayo, magpakadalubhasa tayo.
Sa pagwawakas, ating tandaan na ang serbisyo ay hindi naghihintay ng anumang bayad. Ang tunay na serbisyo ay ang kaligayahan at ang fulfillment ng ating buhay. Ang serbisyo ay ang pag-aalam sa sarili natin at pagpapakadalubhasa.
At higit sa lahat, iyan ang sinasabi ng Maykapal, na kailangan ay magserbisyo tayo sa ating kapwa.
Serve the People without expecting anything in return.
Maraming Salamat po sa inyo lahat! Mabuhay ang Iskolar ng Bayan!