Sumali sa Sanaysay ng Taón 2022!

Mga Tuntunin

  1. Ang Sanaysay ng Taón ay taunang timpalak ng KWF na naglalayong himukin ang mga natatanging mananaysay ng bansa na ilahok ang kanilang mga akda.
  2. Bukás ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kaniláng kaanak.
  3. Ang paksa ng sanaysay ay pagtalakay sa saliksik hinggil sa kahalagahan at tungkulin ng wika sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas at kulturang Filipino.
  4. Kailangang nása wikang Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mulâ sa ibáng wika.
  5. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 páhiná at hindi rin sosobra sa 30 páhiná.
  6. Bílang saliksik, kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nitó sa mga tuntuning nakasaad sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.
  7. Para sa onlayn na paglahok, ihanda ang sumusunod (soft copy) at magtungo sa link na ito: https://forms.gle/1bcVuefXvosYXjry5
  • Kopya ng kompiyuterisadong lahok (.doc format). Gagamitin ang font na Arial 12 pt, single spaced sa A4 size (bond paper) na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas, ibabâ, at gílid. Kung makinilyado ang lahok, i-scan at isumite na naka-pdf format.
  • Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) at walâng kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.
  • Kasáma ng lahok, isumite ang sumusunod na naka-pdf format: (1) notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok (2) Entri Form; (3) curriculum vitae at/o bionote; (4) 2×2 retrato ng kalahok (.jpeg format); at (5) kopya balidong ID.
  1. Pára sa pagsusumite ng lahok sa pamamagitan ng koreo, sa isang long brown envelop ilagay ang sumusunod:
  • apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisadong lahok (Font 12, Arial), may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gílid na nakaimprenta sa bond paper na sukat na A4.
  • Softcopy (.doc fomat) ng lahok na nasa CD o USB
  • Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) ang ipinadalang entri at walâng kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.
  • Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok
  • Entri Form
  • curriculum vitae at/o bionote ng kalahok
  • 2×2 retrato ng kalahok
  • photocopy ng balidong ID
  • ipadalá ang lahok sa koreo sa:

Lupon sa Sanaysay ng Taon

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel

San Miguel, Maynila

  1. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 20 HUNYO 2022, 5nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.
  2. Pára lahok na ipinadalá sa koreo, magpapadalá ang KWF ng mensahe (text) kung natanggap na ang lahok. Kalakip din nitó ang gagamiting entri code at link ng online form pára sa registri ng mga kalahok. Bukás ang online registry hanggang 20 HUNYO 2022, 5nh lámang.
  3. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

Unang gantimpala, PHP30, 000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng Taón”, medalya, at plake;

Pangalawang gantimpala, PHP20,000.00 at sertipiko

Pangatlong gantimpala, PHP15,000.00 at sertipiko

  1. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
  2. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhúling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na mulîng makasasáli pa sa alinmang timpalak ng KWF.
  3. Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.