Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2021, Bukás na

Sumali na sa TIMPALAK JACINTO SA SANAYSAY, timpalak sa pagsulat ng sanaysay para sa mga kabataang nasa baitang 7 hanggang 11. Ipinanangalan ang timpalak kay Emilio D. Jacinto (1875–1899), kabataang manunulat at dakilang anak ng bayan.

Mga Tuntunin:

    1. Ang Timpalak Jacinto sa Sanaysay ay isang timpalak sa pagsulat ng sanaysay para sa mga kabataang nása baitang 7 hanggang 11.
    2. Bílang pakikiisa sa tema ng Buwan ng Wika 2021 sa inyong sanaysay, ibahagi ang kasaysayan ng inyong lugar/probinsiya.
    3. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mulâ sa ibáng wika.
    4. Kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nitó sa mga tuntuning nakasaad sa KWF Ortograpiyang Pambansa at Manwal sa Masinop na Pagsulat.
    5. Pára sa onlayn na paglahok, ihanda ang sumusunod magtungo sa link na ito: https://forms.gle/noMq9X4ayUkBKare7
  • Kopya ng kompiyuterisadong lahok (.doc format).Gagamitin ang font na Arial 12 pt, word count na 1,000 salita, dobleng espasyo, sa A4 size (bond paper) na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas, ibabâ, at gilid. Kung makinilyado ang lahok, i-scan at isumite na naka-pdf format.
  • Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) ang ipinadalang entri at walâng kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.
  • Kasáma ng lahok, isumite ang sumusunod na naka-pdf format:(1) entri form; (2) photocopy ng kasalukuyang school ID o Certificate of Enrollment; (3) sertipikasyon mulâ sa punò ng barangay pára sa out-of-school-youth; (4) Pormularyo ng Pahintulot ng Magulang; at (5) 2×2 retrato ng kalahok (.jpeg format)
  1. Pára sa pagsusumite ng lahok sa pamamagitan ng koreo, sa isang long brown envelop, ilagay ang sumusunod:
  • apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado ng lahok (Font 12, Arial), word count na 1,000 salita, may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gílid na nakaimprenta sa bond paper na may súkat na A4.
  • Softcopy ng lahok na nasa CD o USB.
  • Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) ang ipinadaláng entri at walâng kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok. Softcopy ng lahok na nasa CD o USB)
  • entri form
  • 2×2 retrato ng kalahok (puting background)
  • photocopy ng kasalukuyang school ID o Certificate of Enrollment
  • Sertipikasyon mulâ sa punò ng barangay pára sa out-of-school-youth
  • Pormularyo ng Pahintulot ng Magulang

ipadalá ang lahok sa koreo sa:

Lupon sa Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2021
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila

  1. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 25 HUNYO 2021, 5nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.
  2. Pára sa mga lahok na ipinadalá sa koreo, magpapadalá ang KWF ng mensahe (text) kung natanggap na ang lahok. Kalakip din nitó ang gagamiting entri code at link ng online form para sa registry ng mga kalahok.
  3. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

Unang gantimpala, PHP20,000.00, medalya, at plake;
Ikalawang gantimpala, PHP15,000.00 at sertipiko;
Ikatlong gantimpala, PHP10,000.00 at sertipiko.
Bibigyan din ng Sertipiko ng Pagkilála ang Tagapayo ng estudyanteng magwawagi.

  1. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
  2. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhúling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na mulîng makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
  3. Pára sa karagdagang detalye, magt-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.