Ilulunsad ang 60 monograph para sa Mother-Tongue-Based Multilingual Education ng Komisyon sa Wikang Filipino sa 16 Disyembre 2021, 9:00–11:00 nu sa Bulwagang Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Palace Complex, Lungsod Maynila.
Kabílang sa ilulunsad na mga monograph ay ang piling kuwentong-bayan sa Tëduray kabílang ang Këlibangbange Bërab Dakël Ubale, Këloh Bigol, I Damangyase Bërab Kë Tamba Alagasi. Filandoke Bërab Kë Kafal I Surutane, at Kë Diyat Tobote.
Tampok din ang piling panitikang Hiligaynon kabilang ang mga Paktakon 1, Mga Paktakon 2, Mga Hulubaton 1, Mga Hulubaton 2, at Mga Hulubaton 3.
Kasáma rin sa ilulunsad ang piling alamat sa Kapampángan: Ing Alamat Na Ning Balubad, Ing Alamat Na Ning Linta, Ing Alamat Na Ning Pawu, Ing Mumunang Matsin, at Ing Yatu At Ing Minunang Tao.
Ilulunsad rin ang piling panitikang Bikol: Alamat Kan Balogo, An Ayam Asin An Talapang, An Baka, Karabaw Asin An Kanding, An Balyena, at Paolbo.
Kabilang din ang piling panitikang Mëranaw: So Kiya Adёn O Ranaw Sa Lanao, So Kiya Adën O Tarapan, So Kiya Adën O Amo, So Kiyapagorad O Bawo-O Ago Nipay, at Si Aratawata.
Kasama rin ang piling panitikang Sáma: Adjung-Adjung, Aswang, Deyng Makaheylan-heylan, Istori Kula-kula, at Si Meyong maka si Babow.
Ilulunsad rin ang piling panitikang Magindanáwon: Su Tudtulan No Ubal, , Su Tudtulan Kano Nabpunan Nu Kayu A Pancio, Su Kategelan No Kabpagampon Endo Kabedsindit, Kinabpunan Na Babay Alapeg A Mama A Manok, at Su Datu A Di Pakatana.
Tampok din ang piling panitikang Sebwano: Agta sa Mangga, Ang Sinugdanan sa Baranggay Manalongon, Ang Pagkaguba sa Pinuy-Anan sa mga Dwindi, Bugsay, at Lakbit Saysay ni Lolo Cirilo sa Langob sa Macaban.
Naglimbag din ang KWF ng piling panitikang Ilokáno: Dagiti Tumatayab ken ni Sarguelas, Adda Asok, Ti Atiddog a Pandiling, Ti Puraw a Karabasa, Bambantay, at Turturod.
Naglathala rin ang KWF ng piling panitikang Chabacano: El Abuela y su Nieta, El Chongo y el Bau, El Cosa ya Siembra el Queda Cosecha, El Mariposa y el Pajaro, at El Principio del Namok.
Kasama sa ilulunsad ang piling panitikang Tagálog: Ang Alamat ng Bigas, Ang Alamat ng Makahiya, Bakit Laging Nag-aaway ang Aso, Pusa, at Daga, Magtanim ay Di Biro, at Mga Salawikain.
Itatampok din ang piling panitikang Bahasa Sug: Alamat sin Bud Tumangtangis, Alamat sin Duway Bullud, In Duwa Mahugot Magbagay hi Manok iban hi Billih, In Pito Magtaymanghud Biraddali, at Sapa ha Siet.
Nakaangkla rin ang paglulunsad ng mga monograph sa misyon ng KWF na itaguyod ang patuloy na pagpapaunlad at paggamit ng Filipino bílang Wikang Pambansa hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas túngo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Pilipino.
Kabílang sa paglulunsad ang mga mensahe nina Tagapangulong Dr. Arthur P. Casanova, Dr. Carmelita C. Abdurahman, Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto, at Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi at OIC-Direktor Heneral.
Ang paglulunsad ng aklat ay pangungunahan ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa pangangasiwa ni G. Jomar I. Cañega. Para sa iba pang mga impormasyon hinggil sa gawaing ito, maaaring makipag-ugnayan kay G. Rolando T. Glory sa rtglori@kwf.gov.ph.