Adrian Pete M. Pregonir, Gawaran ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2024

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino si Adrian Pete M. Pregonir ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2024 pĂĄra sa kaniyang tulang “Sa MuhĂłn ng Iyong KabĂĄong MaibĂĄbaĂłn ang mga GuhĂČ ng KahĂĄpon.” Makatatanggap siyĂĄ ng PHP30,000, tropeo, at medalya.

Nagwagi rin si Rowell S. Ulang ng Ikalawang Gantimpala pĂĄra sa kaniyang tulang “At PagkatĂĄpos, MagpapatĂșloy pa rin AkĂłng Maglakad.” Makatatanggap siyĂĄ ng PHP20,000.00 at plake. Nanalo rin sina Allan John A. Andres pĂĄra sa kaniyang tulang “NakikiraĂĄn lang ang Lahat sa Novaliches” at Andre Alfonso R. Gutierrez pĂĄra sa kaniyang tulang “PropesĂ­ya sa PagĂ­tan ng mga TaludtĂłd” ay nagwagi naman para sa Ikatlong Gantimpala.

Si Adrian Medina Pregonir ay isinilang sa Lungsod Koronadal ngunit lumaki sa Maasim, Lalawigan ng Sarangani at nagpatuloy na nag-aral sa South Cotabato. Nagsusulat siya sa wikang Filipino, Hiligaynon, at Kinaray-a.

Naging fellow siya para sa tula sa Davao Writers Workshop (2018), Palihang Rogelio Sicat (2021), San Agustin Writers Workshop (2021), TAHAD: Creative Nonfiction in Hiligaynon Workshop (2021), at Kahirupan Bantugan sa Pagsulat – Sulat Hanasan sa Binalaybay (2021).

Nalathala ang kaniyang mga akda sa mga babasahin, magasin, at antolohiya tulad ng Liwayway, Tumandok Hiligaynon, Dagmay, Cotabato Literary Journal, TLDTD: Biannual Journal of Filipino Poets, Dx Machina 4 ng UP Likhaan, Ani 41 ng Cultural Center of the Philippines, Lakbay: Antolohiya ng mga Tulang Lagalag ng 7 Eyes Productions, Dx Machina ng UP Likhaan at iba pa.

Nagkamit siya ng gantimpala sa Gawad Rene O. Villanueva para sa Sanaysay, Don Carlos Palanca Memorial Awards, Bantugan sa Panulatan Kinaray-a, Gawad Bienvenido Lumbera, at Padya Dungug Kinaray-a.

Ang Talaang Ginto: Makata ng TaĂłn ay isang patimpalak sa pagsĂșlat ng tulĂą na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahĂ­n at pataasĂ­n ang urĂŹ ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilĂĄla sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulĂą.