Isinagawa noong 9–10 Hulyo 2024 sa NCIP Rizal Community Service Center, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal ang balidasyon ng manuskrito ng Hatang Kaye. Dinaluhan ang gawain ng mga katutubong Dumagat-Remontado mula sa Brgy. Santa Ines, Tanay, Rizal (ang naging lugar ng fieldwork) at mula sa walong barangay ng Tanay—Cayabu, Cuyambay, Daraitan, Laiban, Sampaloc, San andres, Sto. Niño, at Tinucan. Dinaluhan din ito ng mga kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan.
Bahagi ang gawaing ito ng proyektong Dokumentasyon ng mga Wika ng Pilipinas na naglalayong masaliksik o maidokumento ang mga katutubong wika ng Pilipinas.