Ang Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino (KASUGUFIL) ay magsasagawa ng ika-11 Pambansang Kongreso sa Wika at Panitikang Filipino na may temang, KASUGUFIL@11: TEKFIL Inobatibong Integrasyon ng Teknolohiya sa Pagtuturo ng Filipino, mula Abril 19 hanggang 22, 2020 sa Bulwagang Benitez, Baguio Teachers Camp, Lungsod Baguio.
Ang layunin ng kongreso ay
- maunawaan ang kahalagahan ng pagsasanib ng Edukasyon at teknolohiya sa nagbabagong daigdig;
- mabigyan-halaga ang wika at teknolohiya tungo sa pagsasaling teknikal;
- maipaliwanag ang kahalagahan ng integrasyon ng teknolohiya sa kurikulum, mga isyu at direksiyon; at
- magamit ang mga kuwentong pambata sa makabagong mundo.
Inaasahang dadalo ay ang mga superbisor, puno ng mga paaralan at kagawaran, at mga pampubliko at pribadong guro sa Filipino magmula sa elementarya hanggang sekondarya.
Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ay dapat naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay:
Celestino S. Dalumpines IV
Pangulo, Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St.
Malacañan Palace Complex, San Miguel, Manila
Mobile.: 0916-639-0914
Email: celestino005@yahoo.com