Gabay sa Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Filipinas

Ang pagbuo ng mga ortograpiya ng mga wika ng Filipinas ay pagtupad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mandato nito  hinggil sa pagpapayaman, pagtataguyod, at pangangalaga ng mga wika ng Filipinas.

Sa mga nakalipas na taon, sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at mga organisasyon, ito ang mga ortograpiyang nailimbag ng KWF: Ortograpiya ni Ibaloy, Bayung Ortograpiyang Kapampangan, Ortograpiya na Kinamayu, Ortograpiya ni Kalanguya, Ortograpiya han Waray, Ortograpiya ti Pagsasao nga Ilokano, Ortograpiya na Salitan Pangasinan, Ortografiya na Gaddang, Ortograpiya ya Malaweg, Ortograpiya di Kankanaëy, at Ortograpiya Itawit.

Hangad ng KWF na sa pamamagitan ng Gabay na ito, mabigyan ng impormasyon ang mga dibisyon ng DepEd at mga organisasyon na nais maging katuwang ang KWF sa pagbuo ng kanilang ortograpiya.

Para sa mga tanong at iba pang impormasyon, maaaring ipadala ang inyong mensahe sa kwf.ssg@gmail.com.