Pinapagod mo lang sarili mo, wala ka namang napapala, nagsasayang ka pa ng pera tapos delikado yang ginagawa mo o sawi ka ba sa pag-ibig kaya’t namumundok ka? Kasi yan ang uso ngayon eh “Nagmahal, Nasaktan, Namundok” ika nga nila.. Iilan lang yan na laging sinasabi sa akin. Pero hindi naman lahat ng namumundok eh sawi sa pag-ibig diba? Sa katunayan, punong-puno ako ng pagmamahal.. Mula sa pamilya, kaibigan at marami pang iba! Aaminin ko delikado ang pamumundok, pero sa bawat hakbang pakiramdam ko lumalakas ang loob ko at kaya kong labanan ang akin mga kahinaan at naniniwala ako na mas nagiging matibay ako. Para kasing gamot sa akin ang pamumundok. Yung tipong lubhang nagugulohan ako sa baba pero sa bundok, nararamdaman ko ang kapayapaan sa aking paligid at kapayapaan sa aking sarili. Nakakagaan talaga ng loob dahil sa magagandang tanawin, malamig na simoy ng hangin pati munting huni ng mga ibon. Iba talaga ang kasiyahan na madarama. Maraming aral din akong natutunan dahil sa pamumundok at nais kong alagaan at protektahan ang kalikasan. Nabago talaga nito ang aking paningin sa mundo sa mabuting paraan. Marami akong nakilalang mga nakakamanghang tao na hindi ko lubos naisip na may ganoon pala. Mas napapamahal ako sa mga bagay na ginawa ko dahil sa pamumundok. Kahit sobrang hirap magpa-alam sa aking ina at kuya kapag ako ay mamumundok, syempre dahil buhay ang nakataya at maraming hindi inaasahan na maaring mangyari. Buti na lang at may ate ako na mahilig din mamundok, madalas kaming umakyat na magkasama kaya napapayag nalang ang ina at kuya ko sa amin kasi di kami mapigil sa kagustuhan naming na umakyat. Hanggat kaya ng buto, kahit anong edad ko pa, mamumundok at mamumundok ako. In Sha Allah!
The Daily Guardian is a renascent Iloilo-based publishing firm and media outfit with bureaus in Kalibo, Boracay, Roxas, Bacolod, Antique, Guimaras, and Manila. Led by Iloilo’s most respected journalists, the Daily Guardian pledges to tell the Ilonggo story as seen through the various lenses of society so that every side may be told.